At the infirmary, having my fireworks burn fixed.
Ako lang ba ‘to o mas madami lang talagang pumunta ngayong taon?
Gaya ng dati, masaya ang Lantern Parade mula sa umpisa hanggang sa fireworks. Pero medyo minalas yata ako ngayong taon. Pano ba naman may mga paputok na sumabog sa baba! At medyo malapit kami sa base ng mga paputok, yung tipong 80 degrees dapat ang tingala mo para makita mo lahat. Tapos bigla na lang kumapal yung usok pagktapos ng malakas na pagsabog. Naramdaman kong may tumama sa kanang balikat ko pero inuna kong umatras. May mga taong nasa harap namin na sumisigaw. Tapos may isang tatay nakadapa na para takpan yung anak niya. Hindi namin alam kung may sasabog pa ulit kaya tuloy-tuloy lang kaming lumayo. Pagkatapos ng presentation madami paring pumalakpak. Hindi kasi siguro nila alam yung nangyari sa harap. Tiningnan ko kagad yung balikat ko, may sugat. Medyo nasunog yung parte ng damit ko na tinamaan. Sinamahan ako ng kaibigan ko na pumunta sa infirmary. Medyo madami nang nauna sakin, lahat naputakan. May mga bata, magulang, at estudyante. May maliliit na sunog, may malalaki din. Meron sa braso, hita, mukha, at balikat. Pero pinaka malala yung isang estudyante na tinamaan may sa gilid ng ulo. Sa may likod ata ng tenga dumudugo. Hindi ko masyadong sigurado, basta nakahiga siya at wala atang malay. Narinig ko na kailangan pa siyang ma-X-ray. Tapos may representative yung Dragon Fireworks na pumunta at ang sabi sagot daw nila yung gastos. Hanggang sa dumating na yung ambulansya para kunin yung walang malay. Ganun pala kalala yung sa kanya. Tapos ayun, nilinis at tiningnan na yung sugat ko. Abrasion lang naman daw kaya hindi masyadong seryoso. Tapos nag-tetanus skin test din kami. Negative ako tapos may apat yata na positive. Buti na lang talaga sagot ng Dragong Fireworks yung gamot kasi tig-P1000 yung Tetagam, parang pang immunity sa tetanus. Kaming mga negative binigyan parin ng anti tetanus serum. Pinayagan na rin ako umalis pagkatapos ng lahat ng test at injection. Meron pang mga natira sa infirmary, sana ok lang sila.